Friday, February 15, 2008

Tula No. 1: Sa Kamagong lang Pala

Originally written : Feb 9, 2008


"Sa dami ng bulaklak sa hardin na sa aki’y papansin. Ako ay nagalak, napadapo ang tingin. May rosas, may sampa, kamia’t sanggumay pa man din. Pero bakit ni isa, sa aki’y walang nagniningning."

"Kaya’t sa kakahuyan, aking tuon dun na lang ibinaling. Baka sakaling ang hiling doon aking masaling. Natagpuan ko du’y ipil, molave’t yakal na may lilim. Pati na narra, ehem! Nais kong di na muling banggitin."

"Sa haba na nang aking naging lakbayin, napagpasiyahan kong saglit na lumilim. Sa isang punungkahoy na may sapat na dilim. Umidlip pasumandali, ang katawang hapo na sa lakarin."

"Sa aking kapaguran, di ko na napansin, paglipas ng oras’t minutong kay tulin.
Tuluyan nang nahimbing at di nakuhang alamin. Na ang Kapayapaang natamo’y sa kamagong lang pala nakapiling."

No comments: