Sunday, February 24, 2008

Tula No. 11: O Kay ganda, Ekkay ganda

Written: FEB 25, 2008 1:45am
I wrote this poem for the birthday of my friend, Erika Fille Legara.
I planned to cross stitch the whole poem and give it to her as gift,
but I did not have time... but if she will insist then I will at some
other time. Sana lang magustuhan niya...


O Kay ganda, Ekkay ganda

Sa hardin higit kang kahali-halina

Ihambing man sa iyo’y bulaklak

Tiyak na sila’y yuyukod nang may buong galak.


O Kay Ganda, Ekkay ganda

Ang dating mo ay parang diyosa

Sa amo na yong mukha, lahat sila’y napatanga

Wari bang sa alindog mo daig pang nagayuma


O Kay Ganda, Ekkay ganda

Ikaw ay sadyang pinagpala

Higit sa kagandaha’t kabaitang iyong taglay

Ang talino’t pagmamahal na kaya mong ibigay


O Kay Ganda, Ekkay ganda

Sa dami nang sa iyo’y namamangha

Magagawa mo kaya na ako’y makita

Mabatid na ako’y isa ring tagahanga


O Kay Ganda, Ekkay ganda

Damdamin sa iyo, idadaan na lang sa tula

Pagkat lakas ng loob ako yata’y wala

Kaysa ibulong ko sa hangin, at maglahong parang bula.

Quotes 1

If your love told you that she can’t love you the way you want, will you insist on loving her, even from afar?

If so, then loving her in that way will make you feel glad, trying to mask the negativities of the real.

And if that will make you smile, even in the back of your mind and in the bottom your heart you are hurting and sad, then go on.

Than pretend that you'll completely forget the pain of losing her and move on.

Tula No. 10: O Bhazel

Originally written: FEB 13, 2008

I wrote this poem during the Physics 72 Second Long Exam.
Bhazel is a friend. During the time, I was writing this, she was
in the other room proctoring for her class.


O Bhazel na kay ganda, bakit ika’y kahali-halina

Sa tuwing ika’y nakikita, lahat ay nabibigla

Ang buhok mong kay haba na wari ba’ brotsa

Na ipinipinta ang mukha mong kaaya-aya


Ngunit bakit sa dami ng salitang aking banggitin

Di mo pinapansin, parang wa epek pa rin

Pakiusap ko lang naman na iyong sambitin

Na ako ay isang guwapo at tipong habulin.


Hindi mo lang alam na ako ri’y nasasaktan

At ako’y sayo ang tipong hilig ay katuwaan

Di ko lang naman nais sa yo’y ipaalam

‘Pagkat batid kong ika’y magdaramdam


Ngunit ganon pa man sayo akoy patuloy na hahanga

Kahit pa magmukha akong aanga-anga

Handang maghintay kahit pa sa wala

Basta huwag ka lang sa aki’y mawawala.

Friday, February 15, 2008

Tula No. 9: Umagang Kay Ganda

Originally written: February 13, 2008

"Umagang kay ganda sa tuwing kapiling ka

Kahit ikaw pa ma’y isa lang alaala

Kaya’t sana sa aking isip wag nang lumisan pa

Kundi buhay ko’y mapapariwara"

Tula No. 8: Sa Tahimik na Gabi

Originally written: February 12, 2008


"Sa tahimik na gabi, isa lang ang dalangin, na ang pusong sabik ngayon sana'y dinggin. Umabot man ng hangganan ay ‘di magmamaliw. Di mapapagod kailanman para sa ginigiliw."

Tula No. 7: Hindi Magsasawa

Originally written: February 11, 2008


"Ang huni ng mga ibo’y waring bulong mo sa aking tenga

Nagsasabing kamusta na! anong ‘yong ginagawa?

Ang ihip naman ng hangi’y tila nagmula sa iyong hininga

Na dumadampi sa ‘king mukha, ako’y hindi naman magsasawa"

Tula No. 6: Sa Kilos na Kakaiba

Originally written: February 10, 2008


"Kung marahil nagtataka sa kilos na kakaiba. Huwag matakot magtanong, wag na sanang mangamba. Malay mo sa kabilang dako’y naghihintay lang pala, kung paano at sino ang sa inyo’y mauuna."

Tula No. 5: Damong ligaw

Originally written: February 8, 2008

“Kapara ng damong ligaw na patuloy na nabubuhay sa gitna ng mga nagtataasang halaman ang aking layag, na patuloy na magpapaanod sa gitna ng naglalakihan alon ng karagatan”

Tula No. 4: Sa 'Yo Lamang Nakabaling

Originally written: February 7, 2008


“Kahit ngayong malalim na ang gabi, at ang araw sa ulap na nagkukubli, liwanag ng ‘yong mukha’y namamasda’t kapiling. Nitong mga matang sa ‘yo lamang nakabaling.”

Tula No. 3: Pag-ibig na Bato

Originally written: February 6, 2008


“Kung bakit ba kasi yaong bato’y kay lupit, kay hirap pukpukin kahit anong pilit”. “Bato, bato sa langit, wag talaga sanang magagalit, kahit pa lolo mo’y ubod ng kulit”.

Tula No. 2: Love is Bittersweet

Originally written: February 5, 2008


“To love is bitter sweet. Thinking of someone you love is sweet yet realizing that she can’t love you back is bitter. However, you opt to try hard even ‘til you sweat coz for you it’s better, than let your heart melt and wither.”

Tula No. 1: Sa Kamagong lang Pala

Originally written : Feb 9, 2008


"Sa dami ng bulaklak sa hardin na sa aki’y papansin. Ako ay nagalak, napadapo ang tingin. May rosas, may sampa, kamia’t sanggumay pa man din. Pero bakit ni isa, sa aki’y walang nagniningning."

"Kaya’t sa kakahuyan, aking tuon dun na lang ibinaling. Baka sakaling ang hiling doon aking masaling. Natagpuan ko du’y ipil, molave’t yakal na may lilim. Pati na narra, ehem! Nais kong di na muling banggitin."

"Sa haba na nang aking naging lakbayin, napagpasiyahan kong saglit na lumilim. Sa isang punungkahoy na may sapat na dilim. Umidlip pasumandali, ang katawang hapo na sa lakarin."

"Sa aking kapaguran, di ko na napansin, paglipas ng oras’t minutong kay tulin.
Tuluyan nang nahimbing at di nakuhang alamin. Na ang Kapayapaang natamo’y sa kamagong lang pala nakapiling."