Tuesday, September 14, 2010

Isang Panibagong Pamamaalam

Malungkot pero kailangan.

Iyan ang aking naramdaman nang aking malaman na dapat ay isauli na lamang namin ang baging Kobi na dumating sa amin. Parang kailan lang nang mawala ang aming orihinal na alaga, pero ngayon kailangan na naman naming magpaalam.
i
Si K0bi-liit, kung aming tawagin, ay sakitin na talaga nang bilhin siya nang aking kapatid sa Tiendesitas. Akala namin ay epekto lamang ito ng "change of environment". Pero nung nagsimula at nagtuloy na siya sa pagdumi nang may halong dugo ay isinugod namin siya sa Veterinarian. Doon napagpasiyahan na ibalik siya pansamantala sa may-ari.

Pagkalipas ng ilang linggo, ibinalik siya sa amin. Doon para kaming nabuhay muli. Ipinangakong aalagaan siyang tunay at hindi na mauulit ang nangyari noon. Pero panandalian lamang pala ang lahat nang yun. Tumuloy pa rin ang sakit niya. And worse, mukhang tumuloy na sa hika, pag-uubo at hirap sa paghinga. Doon muli na naman kaming sinubok. Binigyan siya ng gamot at vitamins upang lumakas pero parang walang saysay ang mga iyon. Hanggang dumating ang isang araw na nakitaan na siyang waring naninigas at puno ng plema ang bibig. At doon napasugod na naman si Kobi-liit sa Vet.

At doon napag-alaman namin na siya ay infected ng virus. Isang viral disease na maaari namang malunasan. Subalit nangangailangan ng dalawang linggong gamutan at siyempre gastos. Doon naisip-isip ko, yun lamang pala. Kaya pala mapagaling, huwag nating sukuan. Pero ayaw na nang aking mga magulang at kapatid. Nais na lamang nila na ibalik siya nang tuluyan sa may-ari at ibalik na rin ang perang napagbilhan sa amin.

Sa totoo lang, sa loob-loob ko ayokong sanang pumayag. Para sa akin kasi, ang hirap magpaalam. Napamahal na sa akin si Kobi-liit. Hindi naman siya parang isang pirated CD na kapag hindi gumana ay pwedeng ibalik. Naisip ko ano kaya ang mararamdaman niya. Siguro feeling niya, parang pinababayaan na namin siya. Malungkot ako na baka iniisip niya na parang iniwan namin siya sa isang bahay-ampunan.

Hindi ko nga maiwasang maluha sa kwento ng aking nanay noong aktong iiwan na niya si Kobi-liit sa petshop. Para daw siyang (Kobi-liit) lumuluha at nagtatampo, waring galit sa nakatakdang pang-iiwan sa kanya. Tila nakakadurog ng puso ang ganitong eksena.

Sa totoo lang, kung ako ang masusunod gusto kong kunin dun si Kobi-liit. Nais ko siyang alagaan ay hindi susukuan. Ang viral disease naman ay hindi 100% nakamamatay. Kailangan lang na palakasin ang immune system niya. Sana lang hindi agad sila sumuko.

Bilang pagwawakas, dalangin ko pa rin na sana bumalik pa rin sa amin si Kobi. Sana gumaling siya agad at sa huli ay kami pa rin ang makakuha sa kanya sa petshop. Malungkot isipin na may mga petshop na business lamang ang tingin sa mga benta nilang aso. Ipagbibili nila ang mga aso o pusa kahit may sakit, at hindi iisipin ang burden na dulot nito sa bagong may-ari. Mahirap ibalik ang asong napamahal na sa iyo, pero lugi ka rin naman kapag hindi mo ito ibinalik. At masakit din mabatid na may mga taong "ballpen" lang ang tingin nila sa hayop. Na parang napakadaling palitan ang isang alagang hayop.

Sa totoo lang, this event made me remember my old time wish of becoming a veterinarian. I am very much willing to save lives of dogs, cats etc. even without paying higher costs. Ayoko na kasi makakita ng isang among nililisang ng kanyang alaga. Masakit at sadyang napakahirap.

Friday, September 3, 2010

Isang Bagong Kobi

This day marks a new beginning. We have our new dog whose name is also Kobi. Our original chao chao Kobi died Tuesday night. And I really can not forget how mournful our family was that night. It seemed that we lost one of our kapamilya. Really Kobi was a part of the family, I must say.

With our new Kobi, we can start a new. This only means that a loss is not the end. We just have to continue living no matter how hard it may seem. We should not die together with the death of your loved one, because God will always be there and will never leave us. There is more after death, more blessings to come in our way.

To end this, I would say that we should live our life in a graceful major, major way for God.